Naitala ang 4.4-magnitude na lindol sa Eastern Samar bandang 9:23 ng umaga ngayong Sabado, Abril 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Phivolcs

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 25 kilometro ng Hilagang Silangan ng Eastern Samar na may lalim ng 9 na kilometro.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naramdaman ang Intensity III sa Hernani, Llorente, Gen. MacArthur, at Maydolong sa Eastern Samar.

Intensity II naman sa Balangkayan, Borongan City, Salcedo, Lawaan, at  Guiuan, Eastern Samar habang Intensity I naman sa Alangalang, Leyte.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng Intensity II sa Abuyog Leyte, at Intensity I sa Palo at Alangalang, Leyte.

Nakitang tectonic ang sanhi ng lindol.

Gayunman, walang inaasahang pinsala o aftershocks dahil sa lindol.