LUCENA CITY, Quezon - Natimbog ng mga awtoridad ang isang drug dealer matapos masamsaman ng ₱400,000.00 na halaga ng iligal na droga sa ikinasang operasyon sa lungsod nitong Biyernes.

Ang suspek ay kinilala ni Col. Joel Villanueva, Director ng Quezon Provincial Police Office (PPO), ang suspek na si Ronaldo Cervantes Rodriguez alyas Nonoy, 42, at taga-Deomedez St. Lot-1 Blk -5 St. Jude Phase 2A, Barangay Mayao, Crossing, Lucena City. 

Si Rodriguez ay inaresto ng Provincial Drug Enforcement Unit, Quezon PPO, Lucena City Police Station at PDEA-4A sa Purok Narra Imaculada, Brgy. Isabang at nakumpiska sa kanya ang 19.71 gramo ng umano'y shabu.

Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, ayon pa sa pulisya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod