Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa posibleng maranasang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at sa pito pang karatig-lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA, makararanas ng katamtaman at malakas na pag-ulan sa National Capital Region (NCR), kabila na ang Quezon City, Marikina at Pasig sa susunod na 12 oras.

Inaasahan din ng PAGASA na maapektuhan din nito ang Bulacan, Cavite, Pampanga, Rizal, Batangas, Quezon at Laguna.

Bunsod nito, inalerto ng ahensya ang publiko sa posibleng epekto nito, kabilang na ang pagbaha at landslide sa mga tinukoy na lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito