Nakuha nina broadcaster Raffy Tulfo at Antique Rep. Loren Legarda ang top spots sa resulta ng pinakabagong Manila Bulletin-Tangere pre-election senatorial survey na inilabas nitong Miyerkules, Abril 6.

Isinagawa ang survey noong Marso 29 hanggang Abril 1, 2022 sa pamamagitan ng mobile application ng Tangere at mayroon itong 2,400 respondents.

(Tangere/MB)

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nakakuha ng 64.63 porsiyento si Tulfo habang 63 porsiyento naman si Legarda. 

Sinundan ito ni Sorsogon Gov. Francis Escudero (59.17 porsiyento), Senador Sherwin Gatchalian (51.42 porsiyento), dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar (48.88 porsiyento), Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (48.46 porsiyento), at Senador Joel Villanueva (48.33 porsiyento).

May statistical chance of winning din sina Senador Juan Miguel Zubiri (45.38 porsiyento), aktor Robin Padilla (40.33 porsiyento), Senador Risa Hontiveros (35.83 porsiyento), dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (35.21 porsiyento), and dating presidential spokesperson Harry Roque (34.50 porsiyento).

Nasa ika-13 hanggang ika-15 puwesto naman sina dating Defense Secretary Gilbert Teodoro (33.21 porsiyento), dating  Philippine National Police chief Guillermo Eleazar (29.13 porsiyento), and former Senador Jinggoy Estrada (27.46 porsiyento).

Ellalyn De Vera-Ruiz