Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko na nagkakaroon ng irregularidad sa paggastos ng pondo ng pamahalaan.
Katulad ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, nagagamit nang tama ang pondo ng bayan, ayon kay Presidential Spokesperson, Communications Secretary Martin Andanar nitong Huwebes.
“What is important, the Chief Executive underscored, is there are no irregularities in government spending,” paglilinaw ni Andanar.
Ang pahayag ni Andanar ay tugon sa puna ni presidential aspirant Senator Panfilo Lacson na "nakakahiya" sa isang Pangulo ng bansa na ipaubaya na lamang ang trilyun-trilyong pisong utang ng Pilipinas sa papalit sa kanyang puwesto.
“Senator Panfilo Lacson’s remarks on the Philippines’ outstanding debt is part of election campaign rhetoric,” paglalahad ni Andanar.
Aniya, naipaliwanagna ni Duterte kung bakit nangungutang ang bansa.
“Be that as it may, President Rodrigo Roa Duterte has already addressed this issue saying that there is a need for government borrowing to finance the administration’s programs and projects,” anito.
Sa ngayon, lumobo na sa₱12.09 trilyon ang utang ng bansa, ayon sa datos ng Bureau of Treasury (BTr).
Noong Marso 31, binigyang-diin ng Pangulo na "hindi masama ang mangutang" basta hindi ito nakukurakot.
PNA