Hindi umano makakamit ng pamilya Maguad ang sapat na hustisya na kanilang inaasam, ayon sa ina ng pinatay na magkapatid na si Lovella Maguad noong Martes, Abril 5, 2022.

Kuwento ni Lovella, sa ika-7 araw matapos ang arraignment hindi sila makahanap ng supporting document upang mapatunayan na mali ang datos o impormasyon na nakalagay sa birth certificate ng babaeng suspek.

"We didn't find any supporting documents to further prove the erroneous data in her birth certificate. We'll just leave to the LCR and PSA how they'd like to sanction such incompetence," saad niya sa kanyang Facebook post noong Martes.

Ang suspek ay kinilala bilang si "Janice" na itinuturing adopted daughter ng pamilya dahil pinatira ito ng mga Maguad sa kanilang bahay.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Isang working student si "Janice" at ang mismong isa sa biktima na si Crizzle Gwynn ang nag-udyok sa kanyang mga magulang na patirahin ito sa kanilang bahay. Parang tunay na magkapatid na nga ang naging turingan ng isa’t isa.

Naging isa sa persons of interest at material witness si “Janice” dahil siya ang kasama ng mga biktima at ang tanging nakaligtas.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Hindi umano nakapagpost si Lovella matapos ang arraignment dahil nalaman niyang hindi nila makukuha umano ang sapat na hustisya.

"I didn't post anything after that because I was totally DEVASTATED, DISTURBED and TORTURED upon knowing that we're not getting the maximum justice because she's a minor," aniya.

Binigyang-diin din niya ang RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act kung saanhindi maaaring ikulong ang batang nasa 15 taong gulang pababa at ang mga batang may edad higit 15 taong gulang ngunit wala pang 18 taong gulang.

Matagal na ring kinukuwestiyon ng ina ng Maguad siblings ang naturang batas.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/17/ina-ng-maguad-siblings-kinuwestiyon-ang-batas-na-pumoprotekta-sa-mga-batang-kriminal/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/17/ina-ng-maguad-siblings-kinuwestiyon-ang-batas-na-pumoprotekta-sa-mga-batang-kriminal/

"'Yan po ang juvenile law maliban sa walang provision sa mga victims who are also minors tatawaran pa ang justice ng 1 to 2 degree lower. Kasi bata daw... BATA po ba ang tawag nyo sa isang taong magaling magplano, pursigidong i-execute ang kanyang planong masama o pagpatay at magaling mag dramatize ng krimen na kanyang ginawa?" paglalahad ni Lovella.

"Bata po ba ang tawag nyo sa isang taong ni walang takot na pumatay sa mga anak namin na walang ginawang masama sa kanya kundi ang kupkupin at tulungan siya sa panahon na humingi siya ng bahay na matirhan? Mahalin siya at bigyan ng pag asa na mapaganda ang kanyang buhay?" dagdag pa niya.

Ibinahagi rin niya kung paano karumal-dumal na pinatay ang kanyang dalawang anak. Aniya, nagtamo ng 51 na saksak ang kanyang anak na lalaki na si Crizvlle Louis.

Minartilyo at sinaksak ang magkapatid. Bukod dito, hinampas din umano sila ng bote, baseball bat, flower vase, frying pan at muntik pa umano maputol ang leeg ng kanyang anak na babae na siCrizzlle Gwynn at nawala rin umano ang tenga nito dahil sa saksak.

"Hindi nyo po ba maramdaman ang sakit na naramdaman ni ate gwynn at Boyboy habang sila ay unti unting pinapatay? At yung walang katumbas na sakit ng nakikita ni Boyboy na sinasaksak o pinahihirapan si ate niya (Ang pinakamamahal na ate niya) kasi doon po nakatingin si Boyboy na nakadapa kay ate niya," kuwento pa ni Lovella.

"Sa kabila ng pagmamakaawa ni BoyBoy, "Kuya huwag mo akong patayin" ng nakagising na sinasaksak habang siya ay tulog. Sa kabila ng sinabihan siya ni ate Gwynn "Girl minahal ka namin..." Only EVIL can do that! Yun ba ang dapat bigyan ng proteksiyon?.

"At pinakamasakit sa loob ng pamamahay pa namin na buong akala ng mga anak ko at naming mag asawa ay pinakaligtas na lugar para sa kanila. Wala pong kaaway si Boyboy and Ate Gwynn at hindi po sila marunong makipag-away.

"Gusto silang mabuhay na masaya at napakalaki ng desire nilang dalawa na magkaroon ng magandang buhay. Puno ng pangarap na alam na alam namin ni papa nila na kayang kaya nilang abutin," paglalahad ng ina.

Noong Disyembre 10, 2021 dakong alas-2:00 ng tanghali naganap ang krimen sa loob ng kanilang bahay.

Ibinahagi rin ni Lovella yung sinabi ng social worker na hindi dapat umano tawaging "kriminal" ang mga menor de edad na pumatay.

"Sabi daw ng social worker hindi dapat tawagin ang mga minors na nakapatay na criminals. At ano po ang gusto nating itawag sa kanila "SANTA?" Parang puputok na ang ulo ko sa sakit at durog na durog ang puso naming mag asawa ng makitang mas lalong yumabang itog taong ito pagkatapos siyang pumatay?" saad niya.

"Paano ito pinalaki ng isang orphanage accredited by DSWD? Walong taon po siya sa pangangalaga ng social worker at mag aapat na buwan sa rehabilitation center pagkatapos niyang patayin ni wala kaming makitang remorse. Naka cross legs sa loob ng trial court at taas noong patingin tingin at lumilisik ang mga mata sa paligid.

"'Yung ipinakikita niyang kabaitan at paging magalang were all scripted kasi sa pangatlong beses na pagkikita namin ni hindi man lang nag greet sa amin o nagmano as she used to do. O nagpapakita ng pagsisisi o humingi ng tawad. Walang remorse. Para gusto pa niyang ipakita sa amin na kami ang may kasalanan," dagdag pa ni Lovella.

Kinuwestiyon ni Lovella kung ano ang treatment ang ginagawa ng DSWD sa mga menor de edad na pumatay. Kinuwestiyon din niya ang batas tungkol sa mga menor de edad.

"Ano ba ang treatment na ibinigay sa loob ng facility sa kanila? 'Yun ba ay nagbibigay ng opportunity for them to realize o reflect na MALI ang kanyang ginawa o tolerating her crime and to encourage her to do the part 2?.

"Yes!!! Ang sabi pa niya hindi daw siya nagsisi at pinanindigan na siya ay BIKTIMA. Biktima ba ang tawag mo sa kanya na kung tutuusin nakalabas na po sana sa bahay si ate pero binalikan pa niya si Girl at inaakay - coz she's acting a victim din na maglabas na silang dalawa para humingi ng tulong. Sa bingit ng kamatayan pinilit ni ate na tulungan pa rin siya.

"Bakit gusto niyang tawagin siyang BIKTIMA? Kasi Yun po ang orientation ng DSWD na ang mga bata na papasok sa facility ay BIKTIMA. Biktima ba siya sa kanyang ginawa?

"Ngayon paano natin yan maituwid ang pag iisip ng mga kabataan ngayon na ang pagpatay ay OK lang kasi bata sila? Hindi sila makukulong? Basahin nyo po ng mabuti ang BATAS... Hindi po ibig sabihin because you FAILED to implement the law ay TAMA yung practices na ginagawa ninyo. According to one of the CHRs kahit bata dapat my equal punishment ang lahat ng mga ginagawa niyang MALI. Bakit i-allow natin na ipasok tayong lahat sa maliit na utak ng mga taong ito? I think we need to review the psychology of man to understand their level of maturity," paglalahad pa ni Lovella.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa sitwasyon nilang mag-asawa. Halos isubsob nalang daw nila ang kanilang sarili sa trabaho para maibsan ang pangungulila sa kanilang dalawang anak.

Gayunman, naniniwala si Lovella na may mali sa implementasyon ng batas.

"Ano pa po ba ang gusto nyong makita para maintindihan at makumbinsi kayo na may MALI ang BATAS may MALI sa pag-INTINDI ng BATAS at may MALI sa IMPLEMENTASYON ng BATAS. Gusto pa po ba ninyo na ang mga anak nyo pa ang mabibiktima bago kayo magising? Bago ninyo kami maintindihan sa sigaw ng MAXIMUM justice?"

Patuloy pa rin humihingi ng panalangin ang ina na makuha nila ang nararapat na hustisya para sa kanilang mga anak.

"I just would like to release these pains because it's killing me... it's killing us. It seems it's becoming unbearable for a human being like us."

Samantala, nagbigay ng spiritual gift si Senador Christopher “Bong” Go alay sa yumao na sina Crizzle Gwynn at Crizvlle Louis Maguad noong Marso 3.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/05/sen-bong-go-nagbigay-ng-spiritual-gift-sa-maguad-siblings/

Nag-alay rin ng awitin ang bandang Ben&Ben sa yumaong Maguad siblings.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/13/benben-nag-alay-ng-awitin-para-sa-maguad-siblings/