Nagsasagawa ng backtracking investigations ang mga imbestigador sa kaso ng pamamaril kay Atty. Joseph Samuel Zapata, Deputy Chief ng Internal Inquiry Division ng Bureau of Customs (BOC), sa Macapagal Boulevard, Pasay City noong Abril 4.

Sinabi ni Philippine National Police Chief, General Dionardo Carlos, na layunin ng imbestigasyon na matukoy ang ruta kung saan dumaan ang abogado upang malaman din ang dinaanan ng mga suspek para sa posibleng pagkakakilanlan ng motorsiklong ginamit sa krimen.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ang dalawang hindi pa kilalang suspek ay pinagbabaril ang sasakyan ng biktima saka mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa kaanak ng abogado na wala silang ideya kung sino ang nasa likod ng nangyaring tangkang pagpatay dahil hindi nila alam kung sino ang may masamang intensyon laban sa biktima.

“It may be difficult to establish the motive if there is no concrete evidence directing to a possible suspect. The victim’s testimony is of the essence here. His profession as a lawyer is an angle we are looking at,” pahayag ni PNP Chief General Dionardo Carlos nitong Miyerkules.

Aniya nakarekober ang Pasay City Scene of Crime Operations (SOCO) examiners ng limang basyo ng bala ng .9mm na isasailalim sa ballistic at cross-matching examination.

Ayon pa kay Gen. Carlos na nagsasagawa na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng parallel probe sa insidente.