Magkakaroon na ng libreng internet ang 896 barangay sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, na siya ring standard bearer ng partidong Aksyon Demokratiko para sa May 9 presidential race, maglalagay ang pamahalaang lungsod ng 896 discs para magkaroon ng libreng internet ang lahat ng kanilang mga barangay.

Kasabay nito, nagpasalamat rin si Moreno kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna at sa buong Manila City Council dahil sa pagtulong sa kanya na matupad ang pangarap niya para sa kinabukasan ng Maynila at ng bansa, sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng lungsod at ng SpaceX Enterprise ng Elon Musk, para sa pagbili ng satellite broadband internet system ng Starlink, para sa buong lungsod ng Maynila.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nabatid na plano rin ni Moreno na palagyan ng libreng internet ang 104 na public elementary at high schools, at dalawang kolehiyo sa Maynila na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ng Universidad de Manila, gayundin ang pitong city-run hospitals.Inaasahan namang makikinabang din sa naturang proyekto ang headquarters at 15 police stations ng Manila Police District (MPD), Manila City Hall at ang lahat ng satellite offices sa Maynila.

“The next plan is the initial acquisition of more than 1,000 discs for the university belt para pagdating ng araw meron silang access to fast, reliable and internet free services,” pahayag pa ni Moreno nitong Huwebes.

Anang alkalde, isinakatuparan niya ang naturang proyekto dahil sa labis na pagkadismaya sa sobrang bagal ng internet sa panahong ito, na napag-alaman niya mismo ng personal sa mga isinasagawa nilang campaign sorties.

“May hika ang internet sa ibang lugar,” aniya pa.

“I hope magawa ito sa buong bansa… bawat tao may access to reliable, fast internet for them to have opportunities,” dagdag pa ni Moreno.

“Pag me magandang internet access sa pag-aaral ng bata,madadagdagan ang access to informationat kung magagawa ito sa ibang lugar, magkakaroon ng komersyo at hanapbuhay,” aniya pa.