Opisyal na ibinahagi ng singer-host at dating appointed vice president for community relations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc na si presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang sinusuportahan niya bilang kandidato sa pagkapangulo.

Ayon sa kaniyang mahabang Facebook post noong Abril 5 na may pamagat na 'Isko', "Kahit mukhang huli na ako sa party, nais ko lang po officially i-announce - kay ISKO po ako sa pagka-pangulo," aniya.

"Ngunit sana basahin n'yo muna kung bakit. To my friends from the yellow/pink, 'wag n'yo na sana basahin ito, unless you are considering ISKO," mensahe niya sa mga Kakampink na tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.

Sinabi naman niya na kahit daw 'halos sigurado' na si presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos, Jr. na nabalitaan daw niyang mabuti at matalinong tao, hindi pa rin daw mababago ang desisyon niyang suportahan ang kandidatura ni Isko.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Kung BBM supporter ka, congratulations! Halos sigurado na po si BBM, and I believe that only God makes this possible. God alone."

"I hear that he is a good and smart man."

"I pray that if he wins, he leads this country with the cleanest heart."

Sa kabilang banda, si Davao City Mayor Sara Duterte naman ang kaniyang manok sa pagkapangalawang pangulo, kahit na 'love' naman daw niya ang running mate ni Yorme Isko na si Doc Willie Ong.

"So why do I choose ISKO, (and SARA of course, with apologies to the good Doctor whom I love) at bakit dapat matuwa pa nga ang BBM supporters or even Leni supporters?

Tatlo raw ang kategorya ni Jimmy kung bakit ang alkalde ng Maynila ang napipisil niya, kagaya ng nakita sa kaniya ng mga celebrity supporters gaya nina Vivian Velez, Billy Crawford, at Nina. Ito raw ay nakapaloob sa election-related dynamics, politikal, at personal.

Ipinaliwanag niya sa bawat dahilan niya sa nabanggit na kategorya. Ipinaliwanag din niya na kahit sa anomang posisyong tumakbo si Inday Sara, susuportahan niya ito.

Naniniwala si Jimmy na bagama't hindi na nagagalaw ang numero sa mga survey kay BBM, mas umaangat naman daw si Isko sa pangalawang puwesto, at isa raw itong magandang indikasyon.

"I want to help make ISKO winnable, at least for the Senate on 2025, or to at least remind the public of how good he was as a Mayor of Manila. Sa edad niya, marami pa po siyang mararating, and it will be good for the country kung mailuklok siya," ani Jimmy.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Jimmy na mukhang mananalo nga si BBM kung pagbabatayan ang mga lumalabas na survey.

"Mananalo po siguro si BBM. We should thank God for this. We should stop taking part in the noise. We should realize that we are being "encouraged" to make political noise by political operators. We are often fooled that we make noise because of our principles. But seldom is this true."

"Despite the high BBM numbers, my vote for ISKO is a conscience vote, coupled with a FAINT HOPE that we might still make a NEW name win. And because even a second place win will make the voice of the people clearer," dagdag pa niya.