Kilala ang Kapuso actress-socialite na si Heart Evangelista sa pagiging sosyal at classy subalit kayang-kaya pa ring abutin ang masa---bagay na siyang nagustuhan sa kaniya ng madlang pipol, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng suporta at pagmamahal sa kaniya ng mga tagahanga at tagasubaybay.

Inaabangan din ang taunang pagrampa at outfitan niya sa Paris Fashion Week na talaga namang hindi pinalalagpas ng mga netizen.

Sa kabila ng pagiging sosyal at classy, may mga sandaling ipinakikita naman niya ang kaniyang kakulitan at kakikayan, lalo na sa kaniyang TikTok.

Ipinakita kasi ni Heart sa kaniyang IG ang kaniyang bagong pa-bangs at iba't ibang outfit.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

"Bulacan babies I'm coming," aniya.

PS. Pants are by @jazcerezo ang sabi ko Serrano ( hirap mag re edit - love you jazzzz)" dagdag pa niya.

Kaya naman, isang netizen ang nagkomento sa kaniya tungkol dito.

"I like you, you used to be modest and classy before… now it's just loud and tacky," ayon sa komento ng netizen.

Komento naman ni Heart, "So unfollow madammme…"

Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

Sa ngayon ay burado na ang komento ng naturang netizen.