Nananawagan angpangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na manatiling sumunod sa ipinatutupad na safety and health protocols sa paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, nagpaalala rin si CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa publiko nitong Huwebes na bagamat bahagyang humuhupa na ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa ay hindi pa rin dapat na maging kampante ang bawat isa sa patuloy na banta ng pandemya.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa panalangin upang tuluyan nangmawakasanang pandemya ay mahalaga rin ang patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na mga safety, health protocols kabilang na ang pagsusuot ng facemask at pagdistansiya sa kapwa.

“Alam niyo po kahit medyo conscious tayo na medyo humuhupa na ang pandemya ay let us not let our guards down, magpatuloy pa rin tayo sa pagsunod sa mga health protocols para talagang masupil na natin ang pandemyang ito ng sama-sama, ipagpatuloy po natin ang pagsusuot ng facemask, hangga't maaari ay pagdidistansiya kung kaya para ingatan natin ang isa’t isa at magdasal tayo,” panawagan pa ni David.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?