Pinangunahan ng mga showbiz personalities at mga pinuno ng Film Academy of the Philippines at Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) na sina Vivian Velez at Rez Cortez ang 'Bayad Buwis Movement' (BBM) laban kay presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. gayundin sa pamilya Marcos, na humihimok na i-settle ang ₱203B estate taxes na hindi umano nabayaran.

"Kaming mga artista nagbabayad din ng tamang buwis, tulad din ng ibang propesyon. Kaya dapat ‘di manalo ‘yung may utang na ₱ 203 billion!” pahayag ni Vivian.

Noong Huwebes ng gabi, Marso 31, ginanap sa Quezon City Memorial Circle ang rakrakan ng mga banda para sa pagsisimula ng kampanyang Bayaran Buwis Movement na dinaluhan ng ilang mga celebrity.

Humigit-kumulang na 3,000 katao ang nagtungo sa venue. Walang mga kandidato na ikinampanya sa naturang event, kahit na ang sinusuportahan ni Vivian ay si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso. Wala raw bahid-kulay ang naturang event at welcome ang lahat.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Iba naman talaga ang boses ng nasa entertainment industry. “Talagang nakakatawag-pansin so sana marami pa tayong makasama sa mga next rally!” wika pa ni Vivian.

Naniniwala si Vivian na nararapat lamang na marinig ang boses ng mga artista pagdating sa politika.

"Should 'artistas' be able to talk politics?"

"For better or worse, celebs can make significant impacts on politics and culture, and have been doing so for centuries. Celeb actions can move the needle!"

"Freedom of expression!" ayon sa Facebook post ni Vivian noong Abril 4, 2022.

Pinangunahan din ni Vivian ang “ISSAng Pilipinas” na umeendorso kina Isko Moreno Domagoso at Sara Duterte-Carpio.