Pinag-ingat ng isang restaurant manager ang mga may negosyong kainan dahil sa nahuling babaeng nagpapanggap na nahihilo matapos kainin at lantakan ang mga inorder nito, upang hindi siya makapagbayad at mailibre na ang mga ito.

Ayon sa Facebook post ni Rea Ramirez Florentino na isang manager sa Pancake House, natuklasan nila ang modus ng nagngangalang Rozzete C. Bartolome, 24 anyos mula sa Poblacion, Calamba, Laguna, kung saan oorder ito nang pagkarami-rami at sasabihin nito na mister niya ang magbabayad sa lahat ng mga inorder niya.

“Sa lahat ng mga kaibigan ko na nasa food industry , Mag-ingat kayo sa babaeng ito. Manloloko 'yan! Modus niya mag-order ng marami at sasabihin darating asawa niya”," babala ni Florentino.

"Kapag nakakain na magdrama na siya na nahihilo at magtulog-tulugan. Ending walang pambayad! Maxs' at Pancake na nabibiktima niya.”

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Pagkatapos makakain at maubos ang lahat ng pagkain na kaniyang inorder ay magpapanggap itong nahihilo hanggang sa matutumba at mawawalan ng malay.

Marami na raw itong naloko na mga branch ng Pancake House at Max's Restaurants.