Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaloob ng isang buwang bonus para sa kanilang mga empleyado, isang buwan bago ang pagdaraos ng Eleksyon 2022.

Sinabi ni Comelec Chairperson Saidamen Pangarungan nitong Huwebes na kabilang sa mga makakatanggap ng naturang bonus ay ang lahat ng regular na empleyado ng poll body.

Ayon kay Pangarungan, ang naturang bonus ay inaasahang matatanggap ng mga empleyado ngayong Abril, 2022.

“We have an approved Employee Development Assistance consisting of a 1 month bonus for all regular employees of this Commission. Our workforce can expect to receive this 1 month bonus this April 2022,” ani Pangarungan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, bukod sa bonus, inaprubahan rin ng poll body ang augmentation para sa transportation at communication expenses para sa mga election officers sa loob ng anim na buwan, sakop ang Barangay Elections sa Disyembre 2022.

“The Augmentation of transportation and communication expenses for the Election Officers for a period of 6 months to cover also the Barangay Elections in December 2022. The Commission En banc approved this to cushion the impact of the round of fuel increases upon our election officers,” dagdag pa ni Pangarungan.

Aprubado na rin aniya ng poll body ang suspensyon ng biometrics o automated attendance system upang makapagtrabaho ang mga empleyado na nasa field nang hindi na kinakailangan pang bumalik sa opisina upang mag-punch para sa kanilang attendance.

Aprubado na rin aniya ‘in principle’ ang gun ban exemptions para sa for election officers, provincial election supervisors at regional election directors.

“Election officers may also be entitled to not more than 2 security details subject to the approval of their respective REDs. This exemption to the gun ban was enjoyed before by our election officers in previous elections," dagdag pa ni Pangarungan.

“To be effective our election officers need to feel secured in performing their duties, free from fear and pressure from opposing candidates in the respective jurisdiction,” aniya.

Hinikayat rin naman ni Pangarungan ang mga tauhan ng Comelec na tiyakin ang pagdaraos ng isang tapat, maayos, credible at mapayapang halalan sa Mayo 9.