Dinakip ng mga awtoridad ang dalawang babaeng pinaghihinalaang big-time drug pushers matapos masamsaman ng₱20 milyong halaga ng illegal drugs sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules.
Nasa kustodiya na ng Nueva Ecija Provincial Police Office sinaSittie Pindatun, 30, at Nor-an Bilal, 26, kapwa taga- Brgy. H-2, Dasmariñas, Cavite.
Sina Pindatun at Bilal ay inaresto ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Nueva Ecija Provincial Office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG )-Cabanatuan, at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU)-Region 3 sa ikinasang buy-bust operation sa Lakewood Subd., Brgy. Sumacab Este nitong Abril 6.
Nakumpiska sa dalawa ang tinatayang tatlong kilo ng shabu na nasa 10 tea bags na nagkakahalaga ng₱20,400,000, marked money at dalawang cellular phone.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang dalawang suspek sa pangunahing distributor ng illegal drugs sa Metro Manila, Bulacan at Nueva Ecija.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag saRepublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban kina Pindatunat Bilal.