Nag-react ang tagapag-salita ni Bise Presidente Leni Robredo na si Barry Gutierrez sa bagong resulta ng survey na inilabas ng public opinion polling body na Pulse Asia.

Bagamat hindi nangunguna sa bagong survey ay bahagyang tumaas naman ang nakuhang porsyento ni Robredo ng siyam na puntos — mula sa 15% ay tumalon ito patungong 24%.

BASAHIN: Marcos-Duterte nangunguna pa rin sa Pulse Asia survey

Ani Gutierrez, ang pagtaas ng nakuhang porsyento ni Robredo ay bunga ng mga rally ni Robredo sa publiko na kung saan ay walang sawa itong naglalapag ng plataporma kung mahahalal sa pagka-pangulo.

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1511554627590041609

"The survey numbers are starting to reflect what we have been seeing on the ground all along: the massive crowds, the fierce passion, the untiring commitment of Filipinos from all walks of life, coming together to rally behind Leni Robredo's bid for the Presidency," tweet ni Gutierrez.

Positibo rin ang tagapagsalita ni Robredo na titindi at tataas pa ang momentum ni Leni habang papalapit ang eleksyon na gaganapin sa Mayo 9.

Aniya, "This 13-point swing going into the last two months of the campaign clearly establishes what we have long known: that VP Leni has the momentum, which we expect will only further intensify and accelerate all the way to May 9. What we are seeing now is the turning of the tide."

Binigyang-diin rin ni Gutierrez ang mga volunteer na walang-sawang nangungumbinsi at nagbabahay-bahay upang ikampanya si Robredo.

"Sa tulong ng ating mga kababayang patuloy na kumikilos, kumakatok, nakikiusap, nangungumbinsi, ipapanalo natin ito."