Nagrereklamo na ang mga residente ng North Triangle sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City dahil panahon na naman ng eleksyon ay hindi pa rin naipapaayosng mga opisyal ng lungsod ang maputik na kalsada sa kanilang lugar.

Sa panayam, sinabi ng mga residenteng hindi na nagpabanggit ng kanilang pangalan, ilang taon na silang nagtitiis na kahit mahinang ulan lang ay bumabaha na ang kanilang lugar, partikular na sa Moral Street sa Sitio San Roque 1.

"Sana, kahit si 1st District Congressman Onyx Crisologo, si Mayor Joy Belmonte o sinumang kandidatong nais magmalasakit, magawan ng paraan na maaspalto ang kalsada sa amin," anila.

"Dapat noon pa nila ginawa 'yan. Mag-e-eleksyon na naman, tapos sasabihin nila, may utos ang Comelec (Commission on Elections) na election spending ban," dagdag naman ng isa sa mga residente.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nakatakdang magsumite ng petisyon ang mga residente sa tanggapan ni Crisologo at Belmonte upang maisulong ang usapin.

Si Crisologo ay kumakandidato muli sa pagka-kongresista at makakalaban nito sa posisyon ang award-winning actor na si Arjo Atayde habang si Belmonte na kakandidato muli sa pagka-alkalde ay makakalaban sa puwesto si Anakalusugan Rep. Mike Defensor.