Suspendido muna ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) sa Mahal na Araw upang bigyang-daan ang kanilang taunang maintenance activities.

Sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) nitong Miyerkules, simula Abril 14-17 ay tigil-operasyon muna ang LRT-1.

“LRMC is set to conduct its annual maintenance activities to continuously provide safe and reliable transportation system. There will be a temporary suspension ofLRT1operations from 14 April (Maundy Thursday) to 17 April 2022 (Easter Sunday),” anunsyopa ng LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ayon sa isang Facebook post ng LRMC.

Magpapatupad naman sila ng regular operating hours mula Abril 11 hanggang 13 kung kailan ang unang biyahe ay aalis ng istasyon ganap na 4:30 ng madaling araw habang ang huling biyahe mula sa Baclaran Station ay hanggang 9:15 ng gabi habang9:30 ng gabi naman mulasa Balintawak Station.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Una na rin namang nag-anunsiyo ang MRT-3 at LRT-2 ng suspensyon ng kanilang operasyon mula Abril 13 hanggang 17, 2022, para sa kanilang taunang preventive maintenance activities.

Sinabi naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad rin sila sa LRT-2 ng shortened operating schedule sa Martes Santo, Abril 12, kung kailan ang kanilang huling commercial trip ay aalis ng 8:900 ng gabimula sa Recto Station at Antipolo Station.

Ang normal na operasyon ng mga naturang rail lines ay magbabalik sa Abril 18, 2022.