Isa ang dating Kapamilya-turned-Kapuso na si Kuya Kim Atienza sa mga natuwa at nagbunyi sa makasaysayang deal ng ABS-CBN at GMA Network, na maipalabas ang mga box-office at hit movies ng 'Star Cinema' sa free TV channels nito, bagay na hindi inaasahan ng mga televiewers na posible palang mangyari.

"The force field is broken! GMA X ABS-CBN! The beginning of many beautiful things to come! The Lord works in mysterious ways!" tweet ni Kuya Kim, kalakip ang screengrab ng contract signing na dinaluhan ng mga ehekutibo ng dalawang higanteng network sa bansa.

Screengrab mula sa Twitter/Kim Atienza

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa isa pang tweet, ibinahagi ni Kuya Kim ang isa pang artikulo hinggil naman sa mensahe ni ABS-CBN CEO at President na si Carlo Katigbak.

"All in God's perfect time! GMA X ABS," saad ng host ng 'Mars Pa More' at 'Dapat Alam Mo'.

Screengrab mula sa Twitter/Kim Atienza

Matatandaang naging kontrobersyal ang paglipat ni Kuya Kim mula ABS-CBN patungong GMA noong 2021 at nakuwestyon ang kaniyang loyalty sa network.

Nasabi ni Kuya Kim na hindi naman siya umalis sa Kapamilya Network na nasa 'darkest moment' nito; sa katunayan, may mga hakbang daw ang network na talaga raw exciting at hindi inaasahan na dapat pakaabangan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/30/kuya-kim-pasok-mang-tani-etsa-puwera-na/">https://balita.net.ph/2021/09/30/kuya-kim-pasok-mang-tani-etsa-puwera-na/

Wala mang prangkisa, kapansin-pansin ang pag-dominate ng ABS-CBN sa digital platforms at patuloy ring lumalaki ang kanilang pamilya dahil sa mga collaborations at agreements sa iba pang mga online platforms at TV networks.