Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya hindi siya nag-i-indorsong tumatakbo sa pagka-pangulo upang mawala ang hinala na gagamitin nito ang pondo ng bayan para sa campaign activities ng napupusuang kandidato.
“Ang akin kasi eh presidente ako tapos magkampi ako ng isa, magdududa ‘yung iba, ginagamit ko ‘yungresourcesng gobyerno, magulo na," paglilinaw ng Pangulo sa kanyangprerecorded Talk to the People.
Isa rin aniya sa rason ay ang paninindigan nito na maging "neutral" upang maiwasang magkaroon ng kontrobersya.
“Ako, wala akong kandidato, hindi ako namumulitika. I’m just announcing.Wala akong kandidato ni sino man sa pagka-presidente. I remain neutral,” pagdidiin ng punong ehekutibo.
“If you are a president and you have the resourcesna nasabeck and callmo, anuman ang gawain mo masuspetsa ang tao na ginagamit mo para sa isang kandidatoeven if it is not true,” paliwanag ni Duterte.
Sa Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang sinuman na mag-ipon o kumalap ng pondo para sa election campaign o para sa pagsuporta sa isang kandidato kapag sinimulan na ang election campaign period hanggang sa mismong araw ng halalan.
Aminado rin ang Pangulo na susuportahan lamang nito ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumakandidato sa pagka-bise presidente.
“At itong isa, kaya nga wala kaming kandidato, except of course my daughter, so I have to mention her because she is my daughter. I'm just trying to avoid politicking because baka masabit tayo sa Comelec," dagdag pa ng Pangulo.
PNA