Mahigit 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon at Kuwait ang nakauwi kamakailan sa Pilipinas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Martes, Abril 5.

May kabuuang 124 overseas Filipinos, kabilang ang mga bata, ang pinauwi noong Marso 30 sa pamamagitan ng mass repatriation program ng gobyerno.

Ang chartered flight ay nagmula sa Lebanon at huminto sa Kuwait upang sunduin ang mga distressed Filipino workers bago tumuloy sa Manila.

“This is the Embassy’s first mass repatriation program of the year after bringing home around 3,400 nationals since the free voluntary mass repatriation started in 2019,” anang DFA.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Raymond R. Balatbat, ang mga Pilipino sa Lebanon, karamihan ay kababaihan at mga bata, ay pinapauwi sa gitna ng lumalalang sitwasyon ng ekonomiya sa dayuhang bansa.

Sinabi ni Balatbat na ang assistance-to-nationals (ATN) program ng embahada ay nakapagbigay ng naaangkop na tulong sa mga migranteng manggagawang Pilipino at kanilang mga dependent sa pagresolba ng mga kaso na may kinalaman sa legal, immigration, medikal at welfare concerns, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na stakeholder at DFA.

“The embassy is committed to continue providing ATN services and bringing home distressed OFWs and their dependents amidst the ongoing economic crisis in Lebanon,” sabi ng ambassador.

Idinagdag niya na ang ATN team ng embahada ay nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya sa Pilipinas para tugunan ang quarantine requirements ng mga hindi pa ganap na nabakunahan sa kanilang pagdating.

Betheena Unite