Muling nagpasaring sa tweet ang Eraserheads lead vocalist na si Ely Buendia kaugnay ng kaniyang patutsada niya sa mga taong hindi nagbabayad ng tamang buwis at hindi mahabol-habol ng Bureau of Internal Revenue o BIR, noong Marso 31.
"When the BIR can’t even do anything about certain individuals who owe us tons of money, isn't that the very definition of elitism? Fight me," matapang niyang pahayag, na pinutakti naman ng iba't ibang mga netizen.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/ely-buendia-may-banat-na-kanta-sa-mga-nagsasabing-wala-siyang-alam-dapat-kumanta-na-lang-siya/">https://balita.net.ph/2022/04/02/ely-buendia-may-banat-na-kanta-sa-mga-nagsasabing-wala-siyang-alam-dapat-kumanta-na-lang-siya/
Noong Abril 4, sinabi naman niya na kahit maraming paninira ang mga 'enablers' ng ibang partido, babalik at babalik pa rin daw sa plataporma at track record ang lahat. Ang tinutukoy niya, ang sinusuportahang Leni-Kiko tandem.
"Kahit gaano kahaba ang prosesyon (at palusot ng enablers), babalik at babalik pa rin sa plataporma at track record. #LetLeniAndKikoLead," aniya.
Sa latest tweet niya ngayong Abril 6, pinarunggitan ni Ely ang mga 'feeling' tax experts at lexicographers na patuloy na nagle-lecture daw sa kaniya tungkol sa taxation.
"Good news, andami palang tax experts at lexicographers sa Pilipinas, they wasted no time in schooling me with their vast knowledge of tax laws and definitions of elitism," aniya.
"'Yun nga lang bad news is they can’t tell what’s fake and what’s not," dagdag pa niya.
Si Ey Buendia ay isang certified Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.