Inaresto ng pulisya ang isang babae dahil sa pagbebenta umano ng pekeng sigarilyo sa Navotas City.

Kinilala ni Lt. Col Jay Dimaandal, hepe ng Special Operations Unit (DSOU) ng Nothern Police District (NPD) ang suspek na si Olivia Olarte, 44, online seller at residente ng Brgy. Daanghari, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek ang mga tauhan ng DSOU, kasama si Phillip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) Illicit Trade Prevention Executive Mr. Solomon P. Dador Jr., sa kanto ng M. Naval at Daanghari. Streets, Brgy. Daanghari bandang alas-9:30 ng gabi ng Lunes, Abril 4.

Inaresto ng mga operatiba si Olarte matapos matagumpay na makabili sa kanya ang isang police poseur-buyer ng umano'y mga pekeng produkto ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P46,800.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakuha mula sa suspek ang 60 reams ng mga pekeng brand ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P86,000.

Sinabi ni Dimaandal na may hindi pa nakikilalang supplier ang suspek mula sa Tondo, Maynila.

Dinala si Olarte sa Ospital ng Navotas para sa pisikal na pagsusuri matapos siyang arestuhin, itinurn-over sa opisina ng DSOU, at ikinulong sa Directorate of Investigation and Detective Management (DIDM) Custodial Facility.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act (RA) 8293 o ang “Intellectual Property Rights of the Philippines” sa pag-amyenda ng RA 10372.

Aaron Homer Dioquino