Sa pangalawang pagkakataon ay nagbahagi ng kaniyang Instagram post ang kontrobersyal na Kapamilya actress na si Yen Santos, matapos ang pagbura niya sa lahat ng mga posts niya sa IG, sa kasagsagan ng mga ipinupukol na intriga ng mga netizen sa kanila ng kaniyang kaibigang si Paolo Contis.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/23/vhaket-yen-santos-nagbura-ng-laman-ng-kaniyang-ig/">https://balita.net.ph/2021/09/23/vhaket-yen-santos-nagbura-ng-laman-ng-kaniyang-ig/

Ngunit makalipas lamang ang isang buwan, sinasabing nagpakita umano siya ng suporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo noong nagdeklara itong tatakbo sa pagkapangulo noong Oktubre. Nag-post kasi siya ng isang litrato na may pink background.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/08/yen-santos-balik-instagram-para-magpahayag-ng-suporta-kay-robredo/">https://balita.net.ph/2021/10/08/yen-santos-balik-instagram-para-magpahayag-ng-suporta-kay-robredo/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang unang IG post niya matapos ang 'social media detox' ay noong Disyembre 24, 2021 kung saan ibinahagi niya ang selfie, at makikita sa kaniyang likuran ang rebulto ni Santa Claus. May caption itong 'Merry Christmas'.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/26/yen-santos-may-ig-post-na-ulit-sino-ang-lalaking-ka-selfie/">https://balita.net.ph/2021/12/26/yen-santos-may-ig-post-na-ulit-sino-ang-lalaking-ka-selfie/

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Abril 4 ang kaniyang mga selfie na may apat na frame, at ang isang bersyon naman ay black and white. May caption ito na emoji na kulay itim at '@zero1story_.'

Screengrab mula sa IG/Yen Santos

Ang 'zero1story' ay IG account ng isang salon sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City na ang serbisyong haircuts, hair treatments, at hair colors ay Korean style. Nag-like dito ang 'rumored boyfriend' na si Paolo Contis, ayon sa pambubuking ng social media personality na si 'Senyora'.

Sa kaniyang IG stories naman, ibinahagi niya ang litrato ng dalawang aklat na ang genre ay nobela, na nabasa niya. Ang isa ay pinamagatang 'We Were Liars' na akda ni E. Lockhart.

May text caption ito na "That ending" na may crying emoji pa.

Ang isa pang aklat na binasa niya ay 'Girl in Pieces' ni Kathleen Glassgow. Ibinahagi niya ang author's note:

"It's not always sunshine and roses over here, and sometimes the dark can get pretty dark, but it's filled with people who understand, and just enough laughter to soften the edges and get you through to the next day. So: go. Go be absolutely, positively, fucking angelic."

Screengrab mula sa IG/Yen Santos

Ang huling balita kay Yen ay nang maispatan umano sila ni Paolo na 'HHWW' habang nasa Rockwell. Hanggang ngayon, wala pa siyang opisyal na pahayag o tugon hinggil sa mga intrigang kinasangkutan noong 2021, bagama't nilinaw at ipinagtanggol na siya ni Paolo, sa pamamagitan ng isang mahabang IG post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/paolo-at-yen-naispatan-nga-bang-hhww-as-a-friend-habang-nasa-mall/">https://balita.net.ph/2022/03/26/paolo-at-yen-naispatan-nga-bang-hhww-as-a-friend-habang-nasa-mall/