Bagaman unang ipinagkibit-balikat ni Xian Gaza ang pahayag ng Sparkle GMA Artist Center at ang banta nitong magsampa ng legal na rekurso kaugnay ng pagpapakalat ng “digitally altered” na larawan ni Alden Richards, isang mahabang depensa ang agad na inilatag ng online personality, gabi ng Lunes.

Tila hindi nabahala ang online Marites na si Xian at nagawa pang i-share ang pahayag ng GMA Artist Center na unang kinundena ang pagpapakalat ng manipuladong larawan ng Kapuso actor.

Basahin: Malisyusong larawan ni Alden, peke pala; GMA, magsasampa ng kaso vs Xian Gaza? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“AYAN AYAN SIGE KAYO PAKALAT NG FAKE NUDE PHOTO NI ALDEN RICHARDS TSK TSK! VERY WRONG! ITO'Y ISANG MALINAW NA PANINIRANG PURI SA NAPAKAGWAPONG AKTOR NG GMA KAYA DAPAT KAYONG MASAMPAHAN NG CYBERLIBEL AT MANAGOT SA BATAS! MABULOK SANA KAYO SA KULUNGAN MGA WALANG HIYA KAYO!” mababasa sa caption ni Xian sa ibinahaging pahayag ng GMA.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Matatandaang naging entry ng April Fool’s Day ni Xian si Alden Richards dahilan para mapag-usapan ang umano’y hubad na larawan ng aktor. Ilang komento pa ang binitawan nito na sa pag-uulat ay burado na.

Gayunpaman, agad na naglatag ng hypothetical legal defense ang online personality na tila tugon sa planong paghahain ng kaso ng GMA laban sa mga nasa likod ng malisyusong pagpapakalat ng larawan ni Alden.

“Kapag inedit mo ang larawan ng isang tao at ginawa itong malaswa na hubo't hubad, it will fall under defamation. The burden of proof is with the prosecution. Kailangan nilang mapatunayan na ikaw mismo ang nag-edit nito by conducting a digital forensics sa mobile phone, iPad or computer mo.

“Kapag naman nakatanggap ka ng fake nude photo tapos pinakalat mo ito, it will fall under defamation. The burden of proof is with the prosecution. Kailangan nilang mapatunayan na pinakalat mo ito by conducting a digital forensics sa mga gadgets, messaging apps and social media accounts mo.

“Kapag pinost mo sa Facebook yung fake nude photo na hubo't hubad including the digitally altered genitalia, it will automatically fall under defamation. But without the genitalia, it is not libellous at all. Unless sabihin mo sa caption na mayroon kang nude photo ni plaintiff at nagtanong ka kung sino ang gusto mapasahan nito,” mababasa sa ilang punto ni Xian sa isang Facebook post.

Screengrab mula Facebook post ni Xian Gaza

Dagdag niya, ang cyberlibel ay isang “criminal case” na may uring “territorial.”

“Meaning to say, yung pag-commit sa krimen ay dapat nangyari sa loob ng Philippine territory,” saad ni Xian.

“Kung ang libellous post ay inexecute sa isang IP address sa labas ng Pilipinas, yung libel case ay dapat i-file sa bansang kinaroroonan nung exact IP address.

“Ang tanong ngayon, paano naging defamation kung ang findings sa digital forensics ay hindi naman pala ikinalat nung suspect ang malisosyong larawan? Sinave niya lamang ito matapos ma-receive mula sa isang tao,” dagdag na mga depensa ng online personality.

“Case dismissed” ang agad na hatol ni Xian.

Sa pag-uulat, hindi pa tumugon sa mga inilatag na depensa ni Xian ang home network ng aktor.