Inialay ni Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga frontliners na nagbuwis ng buhay noong kasagsagan ng pandemya ang kanyang natanggap napagkilala bilang “People of the Year 2022” awardee.
Ang parangal ay iginawad kay Moreno ng prestihiyosong award-giving body na Peoples Asia noong Biyernes dahil sa naging pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 na labis na pinakinabangan ng mga residente ng Maynila.
Nabatid na kinilala si Moreno ng naturang award giving body dahil sa kanyang mga nagawa sa pakikipaglaban ng pamahalaang lungsod sa COVID-19, partikular sa ginawa nitong344-bed capacity Manila COVID-19 Field Hospital at ang pagbibigay ng libre ng mga expensive at hard-to-access na mga anti-COVID medicines tulad ng Remdesivir, Tocilizumab, Molnupiravir, Baricitib at Bexovid.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan rin ni Moreno ang kanyang working partner na si Vice Mayor Honey Lacuna at ang lahat ng City Hall employees na nagsilbi sa frontlines lalo na noong kasagsagan ng pandemya na katrabaho rin niya sa loob ng tatlong buwan na hindi siya umuwi ng bahay at nanatili lamang saCity Hall.
Habang sila ni Lacuna ay na-infect din ng virus ay may mga frontliners ang nagbuwis ng kanilang sariling buhay makapaglingkod lamang sa mamamayan mg lungsod.
Inalay rin naman ni Moreno ang karangalan natanggap sa kanyang yumaong mga magulang na nagbigay sa kanya ng inspirasyon na huwag susuko lalo na noong panahon ng kahirapan.
“Inaalay ko ito sa aking nanay at tatay na naging simbolo ko na ‘wag sumuko sa buhay. Di nila ako sinukuan, bagamat ako ay solong tagapagmana ng lupain na bulubundukin at umuusok pa..the thing is, hindi sila sumuko kaya andito ako sa harap nyo ngayon,” sabi ni Moreno kung saan tinukoy nito ang Smokey Mountain kung saan siya lumaki.
Sa kanyang pagpapakilala kay Moreno bilang susunod na awardee,inilarawan ni Vicki Belo ang alkalde bilang “a former scavenger who grew up to become a star not only in cinema but in public service as well.”
Nabatid na kinilala din si Moreno sa ginawa nitong paglilinis ng magulong Divisoria at sa rehabilitasyon ngArroceros Forest Park, pagkakaloob ng disenteng pabahay sa mga mahihirap at pagtatayo ng mga bagong paaralan sa loob lamang ng maikling panahon at sa pagpapakita nito ng politicalwill at conviction, naging maganda ang buhay ng isangaverage na Filipino.
“Ito rin ay iniaalay ko sa mga magulang at mga bata na kumakaharap ng pagsubok sa buhay. Huwag kayong susuko, kapit lang. Lagi niyong tandaan na after the rain, there is a rainbow. Salamat sa lahat ng bumubuo ng People Asia Magazine sa inyong iginawad na pagkilala sa akin bilang isa sa mga People of the Year 2022,” sabi ni Moreno.
Ayon sa editor-in-chief na si Joanne Rae Ramirez, ang mga awardees ay napili dahil sa kani-kanilang tagumpay sa kanilang laranganat sa pagpapakalat ng pag-asa, pagkilos at higit sa lahat sa kanilang paglilingkod sa kapwa.