Isinasapinal na ngayon ng Department of Health (DOH) ang gagawing pagdo-donate ng mga COVID-19 vaccines sa mga bansang Myanmar at Papua New Guinea.

Sa isang media forum nitong Martes, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na idu-donate ng pamahalaan sa mga naturang bansa ang mga labis na bakuna ng Pilipinas ngunit hindi naman tinukoy ang eksaktong bilang ng mga ito.

“Nakita naman natin that in excess naman tayo sa ngayon. So, we are going to donate the other vaccines that we have right now,” ayon pa kay Vergeire.

“Nakikipag-usap tayo ngayon to finalize arrangements so that we can provide or donate vaccines to them. This would be in Myanmar and in Papua New Guinea,” dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na nasa 27 milyong COVID-19 vaccine doses ang nakatakda nang mapaso sa Hulyo, gayung marami pang eligible individuals ang hindi pa nakakapagpa-booster shot.

Base sa datos ng DOH, hanggang noong Abril 4, 2022, nasa 66.2 milyong indibidwal na ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Mayroon naman anilang 46.8 milyong indibidwal ang kuwalipikado na sa booster shots, ngunit sa naturang bilang 12.2 milyon pa lamang ang nakatanggap ng kanilang booster doses.