CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang numero unong high-value target para sa iligal na droga sa lalawigan ng Bukidnon sa isinagawang search and seizure operation sa Purok-2A, Poblacion village sa bayan ng Lantapan noong Martes, Abril 5.

Sa isang panayam sa telepono nitong Martes, kinilala ni Lantapan police chief Maj. Jayvee Babaan ang suspek na si Ronald Rivas alyas ‘Botchoy’, 45, magsasaka sa Lantapan.

Ipinatupad ang search and seizure warrant dahil sa paglabag sa Republic Act. No. 10591 na kilala rin bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa operasyon, nakumpiska ng mga operatiba ang isang unit ng cal. 45 Syracuse Pistol na may serial no. 81753, isang steel magazine, pitong cartridge, isang hand grenade at isang fragmentation (M61).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bukod sa mga baril, narekober din ng pulisya ang kabuuang anim na iba't ibang laki ng sachet na naglalaman ng umano'y shabu na may bigat na 4.4 gramo na may tinatayang market value na PHP29,920.

Kinumpirma rin ni Maj Babaan na dati nang naaresto ang suspek dahil sa parehong paglabag, illegal possession of unlicensed firearms habang nasa probation pa lamang siya.

“Possibly, he [suspect] has this firearm maybe because he is also involved in illegal drugs. That is why it is expected that he has these things,” ani Babaan.

“The suspect had been arrested before, prior to the operation because of having a firearm without a proper document,” dagdag ni Babaan.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay itinurn-over sa Lantapan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon, gayundin ang suspek, na nakakulong ngayon sa custodial facility, para sa pagsasampa ng maraming kaso.

Pinapurihan ni Col. Jun Mark Lagare, ang provincial director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang mga operating police personnel sa matagumpay na pag-aresto sa top 1 high value target ng iligal na droga sa lalawigan.