Ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang petisyon ng grupo ng mga manggagawa na ₱470 across-the-board wage increase.

Idinahilan ng RTWPB, ang nasabing across-the-board wage hike ay hindi na nila saklaw o labas na ng kapangyarihan nito.

Binanggit nito ang isang ruling ng Supreme Court kung saan sinasabi na limitado lamang ang kanilang mandato sa "minimum wage fixing at pagpapasya sa rehiyon.

Tugon ito ng wage board sa petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines kamakailan na nagsasabing paikinabangan ng lahat ng manggagawa ang panawagan dahil apektado ang mga ito ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Not, therefore, the Board resolves, that the across-the-board wage petition filed by the Trade Union Congress of the Philippines cannot be given due course,” ayon sa RTWPB.

Bukod dito, nanawagan din ang grupo na itaas sa₱430 ang suweldosaCentral Visayas, at nais ding maitaas sa₱814 ang minimumna sahod sa Davao Region.