Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Justice (DOJ) na magbigay ng tulong sa Commission on Elections (Comelec) sa kampanya nito laban sa talamak na fake news o mga pekeng balita na may kaugnayan sa May 2022 national elections.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handa silang tumulong kasunod ng isinusulong ni Comelec Commissioner George Garcia na pagbuo ng task force laban sa fake news.

Ipinunto ni Guevarra na ang fake news na nakakaapekto sa public interest at public order ay criminal offense o pagkakasala sa batas.

“After all, purveying false news that affect public interest or public order is a criminal offense that falls squarely within the mandate of the DOJ and the National Bureau of Investigation (NBI) to investigate and prosecute,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kasalukuyan, hindi pa nakikipag-ugnayan ang Comelec sa DOJ o sa National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa nasabing task force.

Mahigpit ang DOJ at NBI Sa isyung ito para mabigyan ng karampatang parusa ang sinumang mapapatunayang lalabag dito.