Hindi inaasahang kasunduan ang naselyuhan na sa pagitan ng dalawang dambuhalang broadcast networks sa bansa.
Sa isang partnership, maaari nang mapanuod sa mga free channels ng GMA Network ang pinakamalalaking materyal ng Star Cinema, kilalang affiliate ng ABS-CBN na nagpakilala sa ilang blockbuster films sa bansa.
Sa isang virtual signing nitong Martes ng umaga, Abril 5, dinaluhan ng GMA at ABS-CBN executives ang makasaysayang kasunduan.
“Now, because of the kindness of our friends at GMA, we have the special opportunity to bring our Kapamilya stories to a new audience. We hope the Kapusos find joy and inspiration in viewing our Star Cinema movies,” ani ABS-CBN President and CEO Karlo Katigbak na umasa sa “new era of friendship and cooperation” sa pagitan ng dalawang dambuhalang network.
Nagpasalamat din si Katigbak sa oportunidad sa pamunuan ng GMA.
Nagpahayag din ng tuwa ang GMA President and COO na si Gilbert Duavit sa pagbubukas ng oportunidad para sa kapakanan ng Filipino audience. Umaasa itong muli pang bubuksan ang ilan pang posibilidad sa pagitan ng dalawang networks.
Ang anunsyo ay pormal na iniyahag sa parehong news broadcast ng ABS-CBN sa TV Patrol at GMA sa 24 Oras.