Wala na umanong kiyeme sa hubaran at 'biyakan scene' ang Star Magic at Kapamilya artist na si Vance Larena, dahil noon pa mang nasa entablado pa siya ng dulaan ay naranasan na niya ang pagpapakita ng puwet at harapan, sa isa sa mga itinanghal na dulaan ng Philippine Stagers Foundation noong 2018.
Ayon sa panayam ng 'Push' kay Vance Larena, nang alukin daw sa kaniya ang proyektong pelikula ni Joel Lamangan na 'Biyak' ay hindi siya nagdalawang-isip na umoo rito.
Sa dulaang 'Dilaw o Pula', nakatanggap ng parangal si Vance na Best Actor in a Featured Role sa Aliw Awards.
Handa naman daw si Vance sa kahit na anong role na ipagawa sa kaniya. Hindi naman daw siya ang tipong artist na namimili. Nagkataon lamang daw na medyo wholesome pa ang mga proyektong ginawa niya, na ibang-iba sa tema ng 'Biyak'. Gayunman, aminado siyang kinakabahan at dinadaga siya kung paano iraraos ang 'biyakan scenes' dito.
At ang nakakawindang, mala-asal aso o wild sex daw ang gagawin dito ni Vance, huh!
Para naman kay Vance, mas nakakatakot daw ang mga maiinit na eksena sa pelikula kaysa sa entablado dahil sa pelikula, puwede pa itong mabalik-balikan. Sa dulaan kasi, 'for the eyes only' nang mga sandaling iyon, at kadalasang bawal din naman ang pagkuha ng litrato at video habang isinasagawa ang mga play.
At syempre, matagal na raw niyang gustong makatrabaho ang premyadong direktor na si Direk Joel Lamangan. Bagay na gusto rin siyang makatrabaho ng direktor na napanood na siya sa 'Dilaw at Pula'.
“Wala siyang problemang mag-frontal sa harap ng tao. He was very confident to do that and he was very good. Mahusay talaga siyang umarte. Sabi ko, gusto ko siyang makatrabaho at yon nga, nangyari na,” sey ni Direk.
Bukod kay Vance, mukhang isa pang mambibiyak dito ay ang hunk actor na si Albie Casino na game na rin sumabak sa mga daring scenes.