Pinaaapura na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang pagsasagawa ng dismissal proceedings laban kay Police Lt. John Kevin Menes na sinasabing nalulong sa online sabong nang ipatalo umano ang ₱500,000 buy-bust money nitong nakaraang buwan.
Paliwanag ni Carlos, nahaharap din si Menes, 24, nakatalaga sa PNP-Drug Enforcement Group-Special Operations Unit-4 (DEG-SOU-4) ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), sa estafa at illegal gambling.
"His activity inside a gambling establishment is in violation of a specific directive issued by the National Headquarters which constitutes Grave Misconduct under PNP Rules,” pagpapaliwanag ni Carlos sa pulong balitaan sa Camp Crame nitong Lunes.
Kaugnay nito, nanawagan si Carlos sa lahat ng unit commander na silipin ang mga gadget ng kani-kanilang tauhan upang matukoy ang mga nalululong sa online sabong.
"We are protecting our personnel from becoming addicted or addicted to that kind of gaming and will continue to inspect the cellphone of our personnel if they have such an app. If not, look at the trash bin and maybe just erase it. If you really want more, let's go for forensic, digital forensic for not following the specific instruction. Again we don't do it for ourselves to help the police because no one admits that he is addicted to gambling. They never realize that it's too late in the day but we would like to help them, that's why we are doing this inspection,” sabi pa ng heneral.
Matatandaangisinailalim sa kustodiya ng Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna si Menes kaugnay ng usapin.
Gayunman, tumakas ito at inaresto sa isang betting station sa Sta. Mesa, Maynila kung saan ito pinigil dahil sa utang na₱15,000 noong Marso 30.