Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki nang barilin ng isang guwardiya matapos umanong tangkaing nakawin ang motorsiklo ng huli sa Parañaque City nitong Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang lalaking may tinatayang taas na 5'5", kayumanggi, payat, may tattoo sa kaliwang pulsuhan at kanang binti, nakasuot ng construction helmet, sumbrero, tube face mask, white printed long sleeves, itim na shorts at construction shoes, sanhi ng tama ng mga bala sa katawan.

Nasa kustodiya na ng Parañaque City Police ang suspek na si Edison Donato, 34, security guard ng VICAN Security Services Corporation at nakatalaga sa Baima Jiang KTV and Restaurant, at taga-No.99-29th Avenue extension, Barangay East Rembo, Makati City.

Sa police report, ang insidente ay naganap sa bisinidad ng nasabing establisimyento dakong 8:40 ng umaga.

Metro

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa mga solo parent sa Abril 26

Sa salaysay ng isang testigong deivery rider, nakita niyang hinahabol ng suspek ang biktima sa Roxas Blvd. hanggang sa biglang bumagsak ang huli at pinoposasan ng guwardiya.

Sa panig naman ni Donato, isa aniyang magnanakaw ang lalaki dahil tinangkang nakawin ang kanyang motorsiklo at compressor.

Inaaresto aniya nito ang lalaki, gayunman, tinangka umano siyang barilin.

Hindi aniya pumutok ang sumpak ng lalaki kaya agad din siyang bumunot ng baril at sa ipinutok sa kanya.

Narekober ng pulisya ang isang Cal. 38 revolver, tatlong bala at dalawang basyo ng naturang baril; improvised hand gun na kargado ng isang bala; relo; dalawang singsing; backpack; isang motorsiklo at iba pang personal na gamit.