Magandang Balita dahil magkakaloob ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay para sa mga Filipino veterans sa loob ng isang linggo.
Ito, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ay bilang pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Day of Valor at National Veterans Week sa bansa.
Sa paabiso ng LRTA nitong Lunes, nabatid na iiral ang libreng sakay simula sa Martes, Abril 5,hanggang Abril 11, 2022, Lunes.
Nabatid na libreng makakasakay ang Filipino veterans sa mga nabanggit na petsa mula 7:00AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Upang makapag-avail ng libreng sakay, kailangan lamang anila ng mga Filipino veterans na magpresenta ng kanilang balidong Philippine Veteran’s Affairs Office (PVAO) identification card pagpasok ng istasyon ng tren.
Ang LRT-2 ay bumibiyahe mula Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Antipolo City.