Pinuri ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang presidential bets na sina Vice President Leni Robredo at dating defense chief Norberto Gonzales sa ikalawang presidential debate na inorganisa ng Comelec na naganap noong Linggo, Abril 3.

Sa kanyang Twitter post nitong Lunes, Abril 4, sinabi ni Escudero na "on point" ang mga sagot ni Robredo sa mga katanungan.

"I think @lenirobredo did very well again in #PiliPinasDebates2022 - she was dignified, on point & exuded “humble leadership," saad niya.

https://twitter.com/SayChiz/status/1510766359407661056

Napansin din nito ang suot na pin ng bise presidente na hugis Pilipinas. "I also liked the pin she wore!"

Nakita naman ni Escudero ang pagiging "sincere" at pagkakaroon ng "genuine desire" ni Gonzales tungo sa pagbabago.

"The sincere & genuine desire for change of Sec. Norberto Gonzales throughout the debate was also very refreshing!" saad ng gobernador.

Si Escudero ay kabilang sa mga naging kalaban ni Robredo sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

Ngayon ay bahagi siya ng senatorial ticket ng Ping Lacson-Tito Sotto at Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem sa 2022 elections.

Gayunman, parte rin siya ng listahan ng mga personal bet ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.