May paanyaya si Aika Robredo sa mga nagsasabing “elitista” ang atake ng kampanya ng kanyang inang si Presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang panayam kay Christian Esguerra sa episode ng #FactsFirst nitong Lunes, Abril 4, may imbitasyon si Aika sa mga nag-aakusang “elitista” ang itinataguyod na kampanya ng ina.

“Ako siguro yung una, iimbitahan ko sila na balikan natin yung klase ng buhay niya; yung klase ng lifestyle niya; yung klase ng mga kliyente at ng mga natulungan niya kasi tingin ko ipapakita yun na hindi naman talaga,” ani Aika.

Bago pumasok sa mundo ng politika, nagtrabaho bilang abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) si Robredo. Naging miyembro rin siya ng non-governmental legal group na Sentro ng Alternatibong Lingap Panlegal (SALIGAN) bago pa naging kongresista at bise-presidente.

National

VP Sara, sang-ayon sa 'assumption' ni FPRRD na 'drug addict' si PBBM

“Although hindi ko rin siguro ma-blame yung iba for thinking that way kasi baka yung approach din ng iba sa atin sa pagkakampanya ganun. Ito nga yung parating ini-invite namin na naiintindihan namin na maraming percent of the supporters na ngayon lang nahanap yung boses nila,” saad ni Aika.

“Ngayon, yung pinaka-iniinvite talaga naming lahat na, sana lahat tayo would come from a place of understanding, na hindi tayo pare-pareho, [kahit] yung pinaglalaban natin and ultimately yung mga pinaglalaban natin ay pare-pareho,” dagdag ni Aika.

Dahil dito, hindi rin umano masisi ni Aika na naihahanay ang komentong “elitista” sa pangalan ng kanyang ina.

Sa huli, nanawagan si Aika na iwasan ang “name-calling” hangga’t hindi nauunawaan ang pinanggalingan ng sentimiyento ng bawat isa.

Kaugnay na balita: Aika Robredo, ‘di nababahala sa surveys: ‘Maganda siyang strategy, basis’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid