Nakiusap ang komedyanteng si Pokwang na huwag tawaging 'bayaran' ang mga nagpapakita ng pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, sa kaniyang tweet nitong Abril 3, 2022, lalo na ang mga Kakampink celebrity na tumutuntong sa entablado ng mga isinasagawang People's Rally.

Aniya, ayos lamang daw na huwag paniwalang libre ang bawat pagtuntong nila sa entablado sa mga Leni-Kiko sortie subalit huwag daw silang tawaging mga bayaran.

"Ok lang kung di kayo naniniwala na free ang pagtuntong namin sa bawat rally ni VP leni, wag n'yo lang kaming tawaging bayaran dahil 'yan ang pinakamaruming salita at nakakadiri!! Kahit itanong n'yo pa sa mga nagpapabayad diyan na kilalang-kilala n'yo hahahaha #PinkAngPokienyongLahat."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Kaugnay nito, ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram na magiging bahagi siya ng People's Rally ng Leni-Kiko tandem sa Abril 5, Martes, sa Antipolo City, Rizal.

"RIZALEÑOS!!!! Handa na ba kayo??? EAST OUR TIME TO SHINE!! Tayo naman ang magpapakita ng Love Love Love at suporta kay #LeniKiko para sa bayan para sa mga kabataan ng susunod nating henerasyon, kita kits sa Tuesday, April 5 sa Rizal Provincial Capitol Ground 3PM Antipolo City!!!"

Screengrab mula sa IG/Pokwang

Sa isa pang tweet, may paalala siya sa lahat ng mga botante at tagasuporta ng iba't ibang partido, lalo't nalalapit na ang araw ng eleksyon.

Pakiusap niya, huwag naman daw sanang magpayabangan, magpatapangan, at magpataasan ng ihi sa pagsuporta ng mga kandidato. Hindi raw basta-basta contest ang eleksyon kaya kailangang seryosohin ito.

'Wag tayong magpayabangan ng suporta sa bawat kandidato natin, wag tayong patapangan at pataasan ng ihi Hindi ito contest! Seryosohin natin ito! ELEKSYON!" ani Pokwang.

Dagdag pa niya, "Nakasalalay kinabukasan ng ating mga anak at apo dito! 'Wag mo ibenta ang prinsipyo at dangal ng pamilya mo."

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/03/sey-ni-pokwang-hindi-payabangan-at-pataasan-ng-ihi-ang-eleksyon-wag-ibenta-prinsipyo-at-dangal/">https://balita.net.ph/2022/04/03/sey-ni-pokwang-hindi-payabangan-at-pataasan-ng-ihi-ang-eleksyon-wag-ibenta-prinsipyo-at-dangal/

Kamakailan lamang ay binanatan ni Pokwang ang mga basher na nagsasabing pangit siya gayundin ang 'Magandang Buhay' TV host na si Momshie Melai Cantiveros, na kagaya niya ay nagpahayag ng pagsuporta sa Leni-Kiko tandem.

Bashers: Ang pangit mo Pokwang! kayo ni Melai (Cantiveros) pangit n'yo!"

"Me: Kailan namin sinabing maganda kami? Kailaannn????"

"Kung may sinabi kaming maganda kami, pwes! na FAKE NEWS NA NAMAN KAYO!!! Gusto n'yo 'yan eh," saad sa tweet ni Mamang Pokwang noong Marso 30, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/pokwang-melai-cantiveros-sinabihang-pangit-k-brosas-laos-na-raw-banat-ng-bashers/">https://balita.net.ph/2022/04/02/pokwang-melai-cantiveros-sinabihang-pangit-k-brosas-laos-na-raw-banat-ng-bashers/

Bago pa nito, nagpakawala rin siya ng tweet noong Marso 27, 2022 tungkol naman sa kadalasang sinasabi sa kaniya ng mga basher na hindi bet ang pagsuporta niya bilang Kakampink.

"Yung saya ng post mo napaka-GV tapos may mga daot uumpisahan ka tatawagin ka ng kung ano anong okray tapos pumatol ka at binagsakan mo ng katotohanan biglang play victim!"

"Ganyan ka pala idol pa naman kita akala ko mabait ka!" PWES! DI AKO DIOS! ako ay #PinkAngPokienyongLahat," banat ng komedyana.

Hindi rin umano siya natatakot na mawalan ng followers at online friends sa social media.

"Good morning…. gusto ko lang malaman n'yong mga nagbabanta mag unfollow sakin hahaha. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa aking mga anak at magiging apo. #PinKAngPokienyongLahat #Lenikiko," aniya sa tweet noong Marso 24, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/pokie-tinalakan-ang-mga-nagmamaasim-na-supporter-ng-kabila-na-bina-bash-mga-artistang-kakampink/">https://balita.net.ph/2022/03/24/pokie-tinalakan-ang-mga-nagmamaasim-na-supporter-ng-kabila-na-bina-bash-mga-artistang-kakampink/