Pinapayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na huwag mag-iwan ng bote ng alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan upang makaiwas sa disgrasya o sakuna ngayong summer season o tag-init.

MMDA

Paliwanag ng MMDA, dahil sa mainit na temperatura sa loob ng kotse tuwing ang makina ay nakapatay, may posibilidad na sumabog at maging sanhi ng aksidente kapag ang bote ng alcohol ay naiwanan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Binigyang-diin ng ahensya na ang alcohol ay flammable kaya mainam na ilagay ito sa mga lugar na ang temperatura ay hindi lalampas sa 30 degree Celsius.