TABUK CITY, Kalinga --Muling nanawagan ang mga residente sa mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno ang matagal na nilang panawagan na lagyan ng bakod ang mga irrigation canal na nagdudulot ng aksidente at pagkalunod na kalimitan ay kabataan.

Umani ng batikos at panawagan sa social media ang post tungkol sa dalawang bata ang namatay matapos malunod ng mahulog sa irigasyon.

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO), noong April 1 dakong 1:55 ng hapon ay nirespondehan nila ang insidente ng pagkalunod sa irigasyon sa likod ng Department of Education-Tabuk City Office.

Ang mga biktimang sina Jessa Mae Palactoo, 9, estudyante sa Bulanao Elementary School at David Cusay Palactoo,12, estudyante sa Bliss Elementary School ay naglalaro malapit sa irrigation canal, naghugas ng kamay sa malapit na gripo at aksidenteng nadulas at nahulog sa may kalalimang irigasyon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Batay sa mga ulat, natagpuan si David dakong 5:15 ng hapon habang si Jessa Maeay natagpuan dakong 5:39 ng hapon. Isinugod sa Kalinga Provincial Hospital ang dalawa pero kinumpirma itong dead on arrival.

Noong nakaraang Abril 18, 2021, nauwi sa trahedya ang outing ng isang pamilya at mga kamag-anak matapos mahulog sa irigasyon ang kanilang sinasakyan, na ikinasawi ng 13 katao, karamihan sa kanila ay mga bata sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga.