Usap-usapan ang kumakalat na video sa Twitter kung saan makikitang nagsasalita sa naganap na Tarlac sortie ng UniTeam noong Sabado, Abril 2, si senatorial candidate Herbert Bautista at tila may parinig sa isang personalidad na nagpatutsada naman daw sa kaniyang 'ex', na ipinagpalagay ng mga netizen na si Queen of All Media Kris Aquino.
Batay sa ibinahaging tweet ng Fashion Pulis, na mula naman sa isang mamamahayag ng isang news outlet, maririnig sa video ang tawanan at kilig ng mga tao habang binibigkas ni Bistek ang kaniyang mensahe, na bagama't wala siyang binabanggit na pangalan, ay ipinagpalagay ngang para kay Kris.
Ayon kay Bistek, hindi lang naman daw siya ang 'ex' ng naturang personalidad na kabilang sa UniTeam, subalit hindi na siya nagbanggit pa ng ibang pangalan.
Binanggit din ni Bistek ang nauna nang meme na ibinahagi niya na lagi raw sinasabi nina presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte; na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng burger.
"Pero seriously mga kaibigan, heto na lang ang aking message sa kaniya…" panimula ni Bistek, at nagsimula nang maghiyawan ang mga taong dumalo sa campaign rally. Nagbiro pa ito na nanginginig daw ang tuhod niya. Lumapit pa ito kay Tarlac Mayor Cristy Angeles at nag-burger sign sila.
Maya-maya ay muli siyang bumalik sa harapan.
"Malaki ang respeto ko sa pamilya mo, at saka sa iyo, at ang aking pagmamahal sa iyo (hiyawan ng mga tao) bilang kaibigan (hiyawan ulit) ay hindi na mawawala," sey ni Bistek.
"So pagaling ka… kain ka nang marami," pangwakas na mensahe ni Bistek.
Nasorpresa ang lahat nang biglang bumulaga sa Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem si Queen of All Media Kris Aquino noong Miyerkules, Marso 23, 2022, sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman at gamutan.
Pero sabi nga, Kris Aquino is Kris Aquino at gumana na naman ang kataklesahan nito, nang magpahaging siya sa isang 'ex' na kabilang sa UniTeam, na huwag raw iboto dahil hindi marunong tumupad ng pangako. Kumakalat ang video clip nito sa TikTok. Kasama niya ang kaibigang si Angel Locsin.
Aniya, "Nandito ba siya? Di ba yung isa… nasa… UniTeam? Yung ex?" sabi ni Kris na ikinahiyaw naman ng madla.
"Oh, huwag n'yong iboto 'yun ah? Sayang ang boto, dahil hindi marunong tumupad sa mga pinangako," dagdag pa.
Bagama't wala namang pinangalan, ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay si senatorial candidate at dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/
Bilang tugon umano, kinabukasan ay ibinahagi ni Bistek ang isang meme kung saan makikita ang litrato ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, "Sabi nga ni VP Inday Sara, 'Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng burger'".
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/sinong-iilag-bistek-dinaan-sa-meme-ang-parinig-pag-binato-ka-ng-bato-batuhin-mo-ng-burger/">https://balita.net.ph/2022/03/26/sinong-iilag-bistek-dinaan-sa-meme-ang-parinig-pag-binato-ka-ng-bato-batuhin-mo-ng-burger/
Tila nagparinig din ang nobya ni Herbert na si Ruffa Gutierrez sa kaniyang Instagram post.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/">hhttps://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/">https://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/
Samantala, wala pang tugon o reaksyon si Kris tungkol dito.