Handa na ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsisimula ng overseas voting para sa 2022 polls sa Abril 10.

“We are 100 percent prepared already. Everything is set. All the embassies or consulates are ready,” saad ni Comelec Commissioner George Garcia sa isang online forum nitong Linggo, Abril 3.

“Two of our commissioners are abroad to observe the training of embassy officials and staff. It’s all systems,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Garcia na 80 porsiyento ng mga poll paraphernalia at supplies na gagamitin ay nai-deploy na sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas. 

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“By tomorrow, I will ask for an update. And I am almost sure that it is already 100 percent deployed since voting starts next week,” aniya.

Itinakda ng Comelec ang pagboto sa ibang bansa mula Abril 10, 2022 hanggang Mayo 9, 2022.

Mayroon 1.6 million registered overseas voters para sa 2022 elections.

Leslie Ann Aquino