Hindi napigilang maglabas ng saloobin ang singer at Kakampink na si Bituin Escalante sa balitang natakpan umano ng tent ang rebulto ni dating Senador Benigno 'Ninoy' Aquino Jr. sa plaza sa labas ng city hall, sa sortie ng UniTeam sa Tarlac.

Nakita rin sa paanang bahagi ng rebulto ni Aquino ang isang plastic bag na naglalaman ng basura.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/rebulto-ni-ninoy-aquino-naharangan-ng-tent-sadya-nga-ba/">https://balita.net.ph/2022/04/02/rebulto-ni-ninoy-aquino-naharangan-ng-tent-sadya-nga-ba/

Saad ni Bituin sa kaniyang tweet, "Ano na namang kahangalan ito? Ganyan talaga asal ninyo?"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/Bituin Escalante

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Nananadya! Wala talagang moral values 'yang mga 'yan, kahit sino pa 'yan, kahit hindi 'yan si Ninoy, hindi ganyan dapat ang ginagawa nila. Sana mga Kakampink sa Tarlac, hindi nila hinayaan."

"Para 'yan lang? Tapos lalahatin n'yo, pwe! Yung Manila International Airport nga, nanahimik pinangalan n'yo sa Poon n'yong Traydor ng Bayan na si Ninoy. Istorbo kasi 'yang rebulto ng panginoon n'yo. Pagano talaga kayo sinasanto n'yo si Ninoy Traydor! Pwe! Pwe!"

"Nakuha sa tatay nilang taga-Davao ang ganyang pag-uugali."

"Daming na-trigger na Kakampigs. May parespe-respeto pang nalalaman, samantalang na-coveran lang ng tent yung rebulto, di ba mas baboy at walang respeto yung magpahukay ng burol? Pareho lang kayo ng mama n'yo pasmado at may foot and mouth disease mga bibig astang disente mga animels."

"Sanay naman sila mangbaboy ng karapatang pantao. Kaya this is no surprise. Bastos through and through."

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, para sa gobernador ng probinsya ng Tarlac na si Governor Susan Yap, mali ang ginawa sa rebulto ni Ninoy.

"It should not have been done that way. We respect naman," saad ng gobernadora. Hindi pa umano sila nagkakausap ng mayor ng Tarlac City na si Mayor Cristy Angeles tungkol dito.

"Pabayaan na natin ang mga bumabatikos. It is time for forgiveness and healing. Mag-unite na lang tayo," pahayag naman ni Angeles sa isang panayam.

Hindi naman daw sinasadya ng UniTeam ang ganoong senaryo, ayon kay Gibo Teodoro na tumatakbong senador sa naturang partido, na pangalawang pinsan naman ni dating pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III.

This image has an empty alt attribute; its file name is 75732-1-450x600.jpeg
Ellson Quismorio/MB

Wala pa ring reaksyon dito ang Aquino sisters, lalo na si Kris, na kamakailan ay bumulaga sa Leni-Kiko sortie sa Tarlac. Itinuturing na 'Aquino country' o balwarte ng mga Aquino ang naturang lalawigan.