BASILAN - Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay matapos makasagupa ang mga sundalo sa Sumisip nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng militar, kinikilala pa ang dalawa na napatay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa panayam, sinabi ni Joint Task Force-Basilan commander Brig. Gen. Domingo Gobway, ang sagupaan ay naganap sa Barangay Sukaten, dakong 7:13 ng umaga.

Paliwanag ni Gobway, nagresponde ang mga tauhan ng 64th Infantry Battalion sa lugar dahil sa ulat na may mga namataang armadong grupong pinaniniwalaang tauhan ni ASG leader Radzmil Janatul, alyas Abu Khubayb.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Pagdating sa lugar, bigla na lamang umanong pinaputukan ang mga sundalo kaya't lumaban ang mga sundalo na ikinasawi ng dalawang bandido.

Limang sundalo naman ang naiulat na nasugatan.

Nauna nang kinumpirma ni Gobway na nakaalerto ang militar dahil na rin sa pagkakapaslang kay Janatul sa isang sagupaan Sitio Center, Brgy. Baiwas, Sumisip noong Marso 25.