NUEVA VIZCAYA - Isa ang patay at lima ang naiulat na nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa nationalhighway sa Solano nitong Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa Region II Trauma and Medical Center ( R2TMC) si Romnick Domingo, 28, at taga-Ortiz St., BarangayOsmeña, Solano dahil sa matinding pinsala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sugatan at isinugod sa ospital ang limang pasahero ng isang kotse na sinaMonaliza Castro, 45, guro, Monette Reyes, 25, Christian Reyes, 27, construction worker, Rommel Castro, 20, estudyante, Aliah Manalo,18, pawang taga-Aparri, Cagayan.

Sa paunang imbestigasyon ni Master Sgt. Michael Querimit, may hawak ng kaso, ng Solano Municipal Police, ang insidente ay naganap panulukan ng national highway at Mabini St.,Brgy. Poblacion South, dakong11:40 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binabagtas umano ni Domingo ang Mabini St., sakay ng tricycle at biglang tumawid sa highway kaya ito nabangga ng pampasaherong Victory Liner bus, kasama na ang nakaparadang kotse na sinasakyan ng limang nasugatan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang driver ng bus na siHeherson Valencia, 40, at taga-Purok 3, Brgy. Naggasican, Santiago City, Isabela at mahaharapito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries ta damage to property.