OCCIDENTAL MINDORO - Wala umanong bahid ng pulitika ang paniningil ng gobyerno sa ₱203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos.
Sa isang television interview sa kanyang campaign sortie sa San Jose, Occidental Mindoro nitong Biyernes, pumalag si presidential bet Isko Moreno Domagoso sapahayag ng kapatid ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na siSenator Imee Marcos na nahaluan ng pulitika ang usapin.
"It has nothing to do with politics. This is just our obligation. Obligasyon ng bawat mamamayan 'yun, lalo na kung ikaw ay tatakbo sa public office," paliwanag nito.
Nag-ugat ang usapin sa desisyon ng Korte Suprema noong 1997 na nag-uutos sa pamilya Marcos na bayaran ang₱23 bilyong estate tax, gayunman, lumobo ito ng₱203 bilyon dahil umabot na sa ilang dekada ay hindi pa ring nagbabayad ng buwis ang mga ito.
Nauna nang inihayagng kampo ni Marcos na kailangan na muna nilang bayaran ang₱23 bilyong buwis habang inaapela pa ng mga ito ang₱180 bilyong interest nito, ayon sa alkalde.
"Kung talagang mabuti kang tao, babayaran mo yung buwis.Sila na 'yung may sabi, umamin na naman sila. Buti hindi ako fake news," dugtong pa nito.