Nagsalita na si Tarlac City Mayor Cristy Angeles tungkol sa umano'y kawalan ng respeto sa rebulto ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.
Naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa rebulto ni Aquino sa Tarlac matapos itong maharangan ng tent sa plaza habang isinasagawa ang campaign rally ng UniTeam ngayong Sabado, Abril 2.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/02/rebulto-ni-ninoy-aquino-naharangan-ng-tent-sadya-nga-ba/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/02/rebulto-ni-ninoy-aquino-naharangan-ng-tent-sadya-nga-ba/
“Pabayaan na natin yung mga bumabatikos. It’s time for forgiveness and healing," saad ni Angeles sa isang ambush interview.
"Mag-u-unite tayo," dagdag pa nito.
Nauna nang idineklara ni Angeles na tapos na ang awayan tungkol sa political colors at oras na para mag-move on umano ang lahat.
Ang ama ni presidential aspirant Bongbong Marcos na si Ferdinand Marcos Sr. ay karibal sa politika ng yumaong si Senador Aquino.