Usap-usapan ngayon sa social media ang short video clip na nagtatampok kina 'Agimat ng Agila' lead stars na sina Senador Ramon 'Bong' Revilla at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, na ibinabahagi na ng mga netizen sa TikTok, dahil sa pagkakasambit ni Rabiya ng pangalang 'Bongbong!' at pagbibigay ng payo sa mga botante ng tamang pagpili sa mga kandidatong iboboto sa paparating na halalan 2022 sa Mayo 9.

Tanong ng mga netizen, pro-BBM o tagasuporta ba ni presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. si Rabiya?

Mapapanood sa naturang video na sinabi ni Sen. Bong Revilla na "Nandito na si…!" at ipinakita si Rabiya.

Si Rabiya naman, na nakasuot ng pink na sleeveless shirt ay sumigaw ng 'Bongbong!'

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Natawa naman si Sen. Bong at napasabi ng "Hoy!"

Sumunod naman ay ang mensahe niya sa mga botante.

"Ah, mag-ingat po kayong lahat, at 'yon po… iboto ang pinaka-deserving na tao because Filipinos deserve nothing but the best," wika ni Rabiya.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Sen. Bong.

"Yes, of course… kailangang the best talaga."

Rabiya Mateo at Sen. Bong Revilla (Screengrab mula sa FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May ilang nagbahagi pa ng litrato ni Rabiya na nakasuot ng pink na damit, na ipinagpalagay nilang pagpapahayag nito ng sinusuportahang kulay-politikal bilang isang Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.

"Kakampink siya, at totoo naman ang sinabi niya na qualified at the best candidate ang piliin."

"Baka ang ibig niyang sabihin sa 'Bongbong' eh si Bong Revilla, nadoble lang niya?"

"Naku may maka-cancel na naman! Mag-ready ka na Rabiya!"

"What if totoo na si BBM ang sinusuportahan niya, ano naman masama?"

May isang netizen naman ang nagsabing nasa GC o group chat nila si Rabiya at alam daw nila kung sinong presidential candidate ang sinusuportahan nito. Ipinakita pa nito ang isang 'resibo' o katibayang ni-like ni Rabiya ang Instagram post ni Aika Robredo, isa sa mga anak ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Screengrab mula sa FB/IG/Rabiya Mateo/Aika Robredo

Samantala, wala pang reaksyon, tugon, o paglilinaw si Rabiya tungkol sa isyung ito.