Nakumpleto na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota para sa May 9, 2022 national and local elections.

Sa isang tweet nitong Sabado, nabatid na hanggang alas-10:28 ng umaga ng Abril 2 ay natapos na ng Comelec ng ballot printing.

“The last of the 67.4M official ballots for the polls was printed at approximately 10:28 AM today, April 2,” anunsiyo pa ng the poll body.

Anang Comelec, matapos ang pag-iimprenta, ang mga balota ay sasailalim naman sa beripikasyon.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nabatid na ang pag-iimprenta ay sinimulan ng Comelec noong Enero 23.

Natapos ito ng Abril 2, na mas maaga kumpara sa target na April 25 deadline. 

Ang national at local elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022.