Tila hindi papipigil si Eraserheads lead vocalist at certified Kakampink na si Ely Buendia sa mga tumutuligsa at nambabash sa kaniya dahil sa mga diretsahang batikos na pinakakawalan niya, ibang kandidato o partido.

Noong Marso 31, pinutakti ng mga netizen ang kaniyang tweet tungkol sa kaniyang parinig at patutsada sa isang hindi pinangalanang politiko na tila raw may problema sa pagbabayad ng buwis. Ipinagpalagay ng mga netizen na ang pinariringgan niya ay si presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. o BBM.

Sa tono niya, tila handa siyang makipagbardagulan sa mga basher.

Aniya, "When the BIR can’t even do anything about certain individuals who owe us tons of money, isn’t that the very definition of elitism? Fight me."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/Ely Buendia

Sa unang araw ng Abril ay bumanat na naman si Ely.

"Andaming nagdi-defend sa mayayaman pero tahimik pag yung mahihirap ang kinukulong, pinapatay na walang laban at due process. #pakyukayoenablers #letLeniandKikoLead."

Screengrab mula sa Twitter/Ely Buendia

At ngayong Abril 2, may banat naman siyang kanta sa mga nagsasabing wala naman daw siyang alam at kumanta na lamang siya.

"Sige na guys, peace na tayo. Respect my opinion na lang. Tama kayo wala akong alam, dapat kumanta na lang ako. This one’s for you."

Screengrab mula sa Twitter/Ely Buendia

Ang kantang tinutukoy niya ay 'KUPAL' ng Oktaves.